Latest Posts

A Sudden Went For Shopping

By 5:43:00 AM , ,


April 25, 2015

On my weekly check-up sa OB, my friend who is pregnant too told me that she bought a baby record book at Megamall. Ang tagal ko na naghahanap neto online kasi mahilig akong magscrapbook and gusto ko talaga magsave ng mga pictures and details ni baby in a unique way. Ayoko ng usual album lang. I saw on the other posts of moms yung Carter's Record Book. Naghahanap ako ng local online buyer or store kaso wala talaga. So nung narinig ko sa friend ko na may nabili siya, niyaya ko kaagad yung husband ko after my check-up sa Megamall (again and again) hahaha :D Sabi ng friend ko sa may school supplies daw siya ng ground floor department store. Album lang yung nakikita namen kaya naman akala ko naubos na yung stock. So tinext ko yung friend ko ng exact location and tama naman yung pinaghahanapan namen. Suddenly, nakita ng husband ko yung record book na tinutukoy ng friend ko.





Actually photo album pa rin siya pero may mga starting pages na magfillup ka ng information ni baby. Meron ding footprint and handprint portion. Sale siya nung time na yan and we bought it for P349 only. Di na masama diba? Though hindi talaga ganto yung inaasahan ko pero gagawan ko na lang ng paraan mapaganda siya.

Nasayangan kami sa pagpunta ng Megamall dahil lang sa record book na ito kaya bumalik ulit kami ng Baby Company. Actually ang hinahanap ko talaga ay nursing bra at bottle storage. At first, decided na akong Avent breastmilk containers bibilhin ko dahil na rin sa reviews ng ibang moms kaso may mga nabasa akong blog sites na pwede ka namang gumamit ng containers in a cheapest but convenient way. At yun ang Looney Tunes Storage Bottles.


These bottles cost P219. Mas affordable siya kesa sa isang set ng Avent which cost I think around P1,300. Ang laki ng natipid diba. And reading blog sites, maganda daw itong product na to. Pwede mo na siyang instant feeding bottle di mo na kelangan magsalin.

Tapos si ateng saleslady nagsalestalk ng breastpump. Gusto ko talaga yung Avent Manual Breastpump kahit na mahal siya, kasi gusto ko talaga maginvest sa breastpump. Kaso ang husband ko ayaw. Kaya sabi ko pagbibigyan ko siya na bumili muna kami ng mumurahing breastpump tapos pag nakita niyang nahihirapan na ako, saka ako bibili ng Avent. Kaya naman binili na din namen yung Looney Tunes Adjustable Suction Breastpump.


My breastpump cost P699. Sana maging compatible kami para naman di na ako bumili ng iba pang breastpump. And dahil excited na talaga ako kay baby, siyempre inayos ko na yung mga dadahin ko sa hospital.


My baby's diaper bag consist of the following:

  • 2 hooded towels
  • 1 burp pad
  • 2 pairs of socks
  • 2 pairs of mittens
  • 2 pairs of pajama
  • 2 pairs of t-shirt w/ side snaps
  • 2 pairs of shirt w/o sleeves side snaps
  • 2 bigkis
  • 3 lampin
  • 1 nappy clamps
  • 3 disposable diaper
  • Enfant baby record book
  • Pigeon baby wipes
  • Deneses baby cologne
  • Purity cotton balls
  • Babyflo cotton buds
  • Babyflo baby oil
  • Lactacyd baby bath
  • Johnson hypoallergenic baby powder
  • Couture Diaper Bag changing pad
  • 2 Avent bottles
For me, I packed the following materials:
  • 1 pack of adult diaper
  • Carefree sanitary pads
  • 2 maternity dress
  • 1 set of panties
  • 2 large size panties
  • Green Cross Alcohol
  • Myra E Moisturizing Lotion
  • Dove Shampoo and Conditioner
  • Lactacyd Feminine Wash
  • Dove Beauty Cream Soap
  • Toothbrush and toothpaste
  • Towel
  • Socks
  • Deodorant
  • Slippers
  • Lip balm and Blush on
Others:
  • Documents like Philhealth Form 1 and Summary of Contributions
  • Valid ID
  • Personal Information (I listed all the things the nurse might ask for my convenience)
  • Baby Personal Cheat Information (I fill up baby's information for guide)
  • Camera
  • Charger
These are still not complete but I'll make sure na within this week makukumpleto ko na lahat ng dapat kong dalhin sa hospital. Good thing super lapit lang ng hospital sa nirerent nameng bahay. Madali na lang magpabalik balik pag may kailangan.

Just a few more weeks to go and my bouncing baby boy will say Hello World! We really can't wait to see and to be with him :)


If you like what you just read please click to send a quick vote for me on Top Mommy Blogs- The best mommy blog directory featuring top mom bloggers

You Might Also Like

0 comments