Latest Posts

Welcome Home Baby Prince

By 4:14:00 AM





May 16, 2015

This is the first morning we wake up with a little cutie baby lying on the crib. I just can't imagine na meron ng baby sa crib. Me and my husband took care of him the whole night. This past few days kasi si mama and papa ang nag-aalaga kay baby. It's refreshing and exciting, at the same time very exhausting. Sobrang alerto ng husband ko tuwing umiiyak si baby. Isang iyak lang niya tayo agad siya. Hahaha :D That's how excited he is kahit antok na antok na siya.

GOOD MORNING BABY! :)

He's so little and fragile and seems so sweet yet so loud. He's everything and he's perfect. Alam mo yung pag tinignan mo siya, wala kang di gagawin para sa kaniya. Nag-iba na perception mo sa buhay. You start dreaming again. You keep on thinking kung anong mga needs niya and paano mo ipoprovide lahat ng the best para sa kaniya. Parang nagkaroon ng kabuluhan ang buhay mo. That, no matter what mistake you've done from the past, you are willing to change everything and make it right just for him.

I thought kapag nakapanganak na ok na. Mas mahirap pa pala ang stage ng nanganak. Sobrang sakit ng tahi, di ka makalakad ng maayos, it takes time for you to sit down, to lay down, to go upstairs. Ang hirap kumilos. Sa nirerentahan nameng bahay, there are 4 floors. Nasa may 2nd floor kami. Yung 3rd floor andun yung kitchen and dining area. Nasa 1st floor naman yung tv and sala. Akyat baba ako kasi sa 3rd floor pinapatambay si baby. Mahangin kasi dun. Around 1 pm, they called me and my husband to eat our lunch. We went upstairs. After eating, I drank full glass of iced water not knowing na may masamang epekto pala yun. I went downstairs to check my baby, suddenly I felt cold. Take note mga 2 pm yun at since summer, doble ang init nun pero that time lamig na lamig ako. Actually nanginginig ako sa lamig. Yung nginig na parang nasa Antartica ako. I took biogesic kasi sumasakit yung tahi ko. That was prescribed by my OB. I lay down and grab a blanket. My husband told my mother and when my mother went downstairs, ayun naghysterical na siya. Nabinat daw ako. Ang dahilan ay yung pag akyat baba ko at pag-inom ko ng malamig na tubig.

They changed my clothes into patong patong na damit para mainitan ako. Ang daming pinahid sakin na maaanghang para pagpawisan ako. Bawal ang electric fan, pamaypay lang pwede. Nilagyan nila ako ng bigkis para di umabot sa ulo/utak yung lamig. Agad agad nagpatawag ng manghihilot. Ganyan sila, napakamakalumang paraan.

Mabuti na lang lumabas daw yung lamig sa katawan ko. 1 week akong di pwede maligo and bawal sa electric fan. Hindi din pwede akyat baba dapat nagpapahinga lang. Grabe ang hirap. Yung unang ligo ko dapat may mga dahon dahon para daw di ako mabinat ulet. Merong pang pausok na nalalaman na ginawa ko talaga dahil kelangan kong sumunod.

Anyway, I'm happy walang nangyari sakin kasi gusto ko pa makasama baby ko ng mahabang panahon. The first week we had him, puro tulog lang siya, iyak, dede, sinok, bahing, ngiti, ihehele tapos tulog ulet. Newborns should have 16-20 hours of sleep everyday and don't interrupt them when sleeping because it will stop the development of his body.

Just sharing some of my baby's photos.



How about you mommy? Naexperience mo din ba ang mabinat?


If you like what you just read please click to send a quick vote for me on Top Mommy Blogs- The best mommy blog directory featuring top mom bloggers

You Might Also Like

0 comments